Kode Iklan Otomati Atau Peninjauan Adsense -->

ACIDIC ka ba? Feeling mo ba ay ACIDIC ka? Ano ang sintomas nito at paano ito maiiwasan? Narito at alamin.

Ano ang acidic?


Kapag acidic ang isang tao, humihina ang immune system at madaming sakit ang dumadapo. Bakit nagiging acidic ang isang tao? Dahil sa hindi tamang pagkain, walang ehersisyo, paginom ng alak ng walang laman ang tiyan, pagpapagutom paninigarilyo at pagpupuyat.




*Sintomas ng Gerd o Acid Reflux:

Panlalamig
Sorethroat
Parang sinasakal
Sakit ng ulo
Bara sa lalamunan
Dry cough
Bloated
Hirap huminga
Dighay at utot
Anxiety
Hilo
Pananakit ng mga buto
Panghihina
Chest pain
Hirap sa patulog
Pagbilis ng tibok ng dibdib
Pananakit ng tenga dala ng pasulpot sulpot na sipon

*Kadalasang mga komplikasyon:

Paghina ng immune system
Allergies (hika,ubo, sipon, sakit sa balat)
Pamamaga ng esophagus
Laryngitis
Mabilisang pagpayat




*️ Mga bitaminang nawawala sa katawan: 

Magnesium
Calcium
Protein
(Wag kakalimutan mag vitamins na rich sa mga ito)

 *Mga dahilan ng pagsumpong:

Kapag ang tyan natin ay madaming bad bacteria o ang mga kinakain natin ay matakaw ang bad bacteria tulad ng carbohydrates, dumadami ang bacteria nagiging sanhi ng pag utot at dighay.


* Mga remedy:

Mga pagkain at inumin n mayayaman sa Alkaline-
Green na gulay
Mga prutas na makakatas (walang citrus)
Alkaline water
Probiotic drinks (yakult, WKG-water kifer grains)
Vitamins na non acidic
Saging
Soy food




*Mga pagkaing dapat iwasan:

➖Kape, Wine
➖Mga pagkaing mahirap tunawin ng tyan
➖Red meats ( mahirap matunaw)
➖Mga starchy fruits at vegetables
➖Pagkaing mayaman sa unhealthy carbohydrates: -cake, softdrinks, etc
➖Prutas na maasim
➖Pagkaing mamantika

* Mga dapat gawin:

➖Nguyain ng maigi ang pagkain
➖Sumubo ng konti lamang tuwing kakain
➖Huwag hihiga agad pagkakain, mainam na maglakad lakad muna
➖Matulog ng mataas ang unan (upang hindi umakyat ang acid pataas)
➖Matulog pakaliwang bahagi ng katawan para ma balance ang acid sa tyan habang tulog
➖Kontrolin ang utak kung nakakaramdam ng kaba, sanayin ang katawan at isip sa pabago bagong mood ng katawan
➖Tanggapin ang sakit at tulungan ang sarili makabawi
➖Uminom 1 oras bago kumain ng alkaline water/ wag iinom habang kumakain/ uminom pagkatapos ng 30mins pagkakain
➖Iwasang magpupuyat at magpapagod
➖Iwasang magpapagutom
➖Iwasang magpapakabusog para hindi mabloated ang tyan na nagiging sanhi ng reflux
➖Maging positivo at lakasan ang loob
➖Tigilan ang bisyo



Ang ACID REFLUX/GERD ay nagagamot NGUNIT bumabalik oras na maulit ang pagbalik ng mga bad bacteria at sobrang stress, HINDI ito nakamamatay. Nagtatagal ito sa katawan DEPENDE kung gaano kadami ang bad bacteria sa tyan o kung paanong diet ang ginagawa. Sundin ang healthy lifestyle kung kinakailangan upang mabilis gumaling.

Gawing positibo ang araw araw na gawain dahil ang stress at galit ay nagpproduce ng acid sa katawan kaya mahalagang laging masayahin at maayos na pagkain...

At wag kalimutang kumunsulta lagi sa Doktor!

Untuk Navigasi Lengkap Silahkan Kunjungi Peta Situs


PASTE KODE IKLANMU DISINI

Baca Juga:

Langganan Via Email
Copyright © | by: Me